Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking maikling sanaysay
matagal ko na itong ginawa ngunit ngayon ko lang naisipan na
ipost ito sa aking blog ito ay pinamagatang pag-ibig na walang haggan
sana ay iyong magustuhan:
PAG-IBIG NA WALANG HANGGAN
Naranasan nyo na bang magmahal?o di kaya ang maramdaman mo ang tunay at wagas na pag-ibig ? na siya lamang ang kayang magbigay, pag-ibig na kapag nawala sayo wala narin sayo ang lahat at pag-ibig na lalo kang pinapatatag.
Hindi siya nagkulang sakin at hindi niya ako iniwan,kahit na ako"y makasalanang tao ikinubli niya parin ang liwanag na aking kailangan , liwanag na susugpo sa dilim, liwanag na magsisilbing pag-ibig , liwanag na magsisilbing pag-asa at tagumpay . Marami ng kalaban ang sumubok sa kanyang kapangyarihan ngunit hindi sila nagtagumpay. pag-ibig na ninanais ng marami ngunit hindi nila makamit dahil sa kanilang kasalanan.
Ang pag-ibig niyang walang hanggan ang ating kailangan sa buhay sapagkat ang kapayapaang ating hinahanap ay makakamit natin sa kanya , Siya lamang ang tanging daan at wala ng iba. -jesus christ-
=) sana ay may natutunan kayo sa aking ibinahagi na munting sanaysay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento