Lunes, Disyembre 30, 2013

JAGUAR (BUOD)

Si poldo ay isang security guard, sa oras na ito maraming naglalabasan at nagpapasukan na manggagawa at ng palabas na ang amo ni poldo na si sonny agad niya itong inuna upang makalabas agad at nang makaayos na ng upo si sonny sa kanyang kotse pinaalalahanan ni poldo ang kanyang amo tungkol sa gaganapin sa linggo ngunit hindi maalala ni sonny ang tungkol sa kanyang sinabi,Nang sinabi ni poldo na piesta agad itong naalala.Maraming mga disenyo sa harap at loob ng bahay ito na ang pinakahihintay na araw ni poldo  ang piesta sa kanilang komunidad ngunit hanggang ngayon wala parin ang kanyang pinakahihintay na bisita,Tinatanong na siya ni aling elena tungkol dito ng marinig ito ni marissa agad nitong sinabi na hindi na ito pupunta at sayang lahat ng kanyang binili na alak,Dahil dito agad naginit ang ulo ni poldo at sinabing wag ng makisabat sa usapan ng matatanda. Maya-maya ay nariyan na ang kanyang mga bisita  agad niya itong pinapasok at hinatiran ng pagkain.Si cristy ay parang naninibago sa lugar na kanyang pinuntahan. Malakas ang hiyawan at tawanan  at tila lasing na si sonny,derik,sing,edmon,at poldo.May narinig sina sonny at derik na nagbubugbugan kayat agad nitong ininum ang kanilang alak at sumugod rin sila,Dahil sa determinado si poldo na kailangan niyang iligtas ang kanyang amo sumugod rin siya at sa hindi inaasahan ay napuruhan si poldo  habang sinasapak si poldo ay tawanan ng tawanan sina sonny at derik buti nalang at dumating na ang mga pulis upang maayos ang kaguluhan.Sa nagyaring kaguluhan  nagalit si aling elena kay poldo dahil sa inakto ng kanyang bisita pilit na nagpapaliwanag si poldo sa mga nangyari nang marinig ito ni marissa ay agad siyang nakisabat sa usapan at galit na galit at agad siyang sinagot ni poldo na wag makikisabat sa usapang ng matatanda.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento