Lunes, Disyembre 30, 2013

BAGONG TAON NA!!!!!!!!!!!!!!!

eto nag-uumpisa na sila mama mamalengke
para sa kakainin namin mamaya sobrang
saya ngayon sapagkat kasama ko ang aking
lola .
MALIGAYANG BAGONG TAON=)

KWENTO NI MABUTI

Si mabuti ay isang guro na nagtuturo sa isang paaralan na tila binagyo.Si mabuti ay laging maganda ang larawan na naipapakita sa mga tao ngunit walang maganda sa kanyang buhay maging sa kanyang pagkatao.tinawag siyang mabuti sapagkat lagi niyang nabibigkas ang mga salitang ito.Nang papunta si mabuti sa silid-aralan upang doon umiyak may napansin siyang bata sa isang sulok na umiiyak tinanong niya ito ngunit hindi nagsalita. sabay umuwi si mabuti at ang bata ng maalala ng bata ang itatanong kay mabuti kung bakit naroon siya agad sumagot si mabuti na ang kanyang suliranin ay hindi na dapat malaman ng isang batang katulad niya.Sa tuwing nagkukuwento si mabuti lagi niyang binibida ang kanyang anak  ngunit kahit kailan wala siyang nabanggit sa ama nito.Mataas ang pangarap ni mabuti para sa kanyang anak na magging isang manggagamot tulad ng ama nito.Ilang araw palang nabalita sa pagpanaw sa ama nito. ibinurol sa isang bahay ang ama na anak ni mabuti na di-siyang tinirhan nila. ang batang kanyang nakausap ay naintindihan ang lahat ng ito.

JAGUAR (BUOD)

Si poldo ay isang security guard, sa oras na ito maraming naglalabasan at nagpapasukan na manggagawa at ng palabas na ang amo ni poldo na si sonny agad niya itong inuna upang makalabas agad at nang makaayos na ng upo si sonny sa kanyang kotse pinaalalahanan ni poldo ang kanyang amo tungkol sa gaganapin sa linggo ngunit hindi maalala ni sonny ang tungkol sa kanyang sinabi,Nang sinabi ni poldo na piesta agad itong naalala.Maraming mga disenyo sa harap at loob ng bahay ito na ang pinakahihintay na araw ni poldo  ang piesta sa kanilang komunidad ngunit hanggang ngayon wala parin ang kanyang pinakahihintay na bisita,Tinatanong na siya ni aling elena tungkol dito ng marinig ito ni marissa agad nitong sinabi na hindi na ito pupunta at sayang lahat ng kanyang binili na alak,Dahil dito agad naginit ang ulo ni poldo at sinabing wag ng makisabat sa usapan ng matatanda. Maya-maya ay nariyan na ang kanyang mga bisita  agad niya itong pinapasok at hinatiran ng pagkain.Si cristy ay parang naninibago sa lugar na kanyang pinuntahan. Malakas ang hiyawan at tawanan  at tila lasing na si sonny,derik,sing,edmon,at poldo.May narinig sina sonny at derik na nagbubugbugan kayat agad nitong ininum ang kanilang alak at sumugod rin sila,Dahil sa determinado si poldo na kailangan niyang iligtas ang kanyang amo sumugod rin siya at sa hindi inaasahan ay napuruhan si poldo  habang sinasapak si poldo ay tawanan ng tawanan sina sonny at derik buti nalang at dumating na ang mga pulis upang maayos ang kaguluhan.Sa nagyaring kaguluhan  nagalit si aling elena kay poldo dahil sa inakto ng kanyang bisita pilit na nagpapaliwanag si poldo sa mga nangyari nang marinig ito ni marissa ay agad siyang nakisabat sa usapan at galit na galit at agad siyang sinagot ni poldo na wag makikisabat sa usapang ng matatanda.

Sabado, Disyembre 28, 2013

NGAYON LANG HEHE XD

Ngayon lang nakapagpost ang daming nangyari sa buong desyembre ko sana sa new year okay na ang lahat. nakakalungkot talaga sapagkat isa sa aming pamilya ay nasawi , inisip ko nalang na ito ay isang pagsubok sa aking buhay. salamat parin sa ating panginoon sapagkat napagtagumpayan namin ito.

Sabado, Disyembre 14, 2013

KAKATAPOS LANG XD:)

Kakatapos lang ng aming chrismast party naging matagumpay ang lahat . salamat sa ating panginoon sa ibinigay niyang kalakasan sa bawat isa.

Huwebes, Disyembre 12, 2013

MAIKLING SANAYSAY

Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking maikling sanaysay
matagal ko na itong ginawa ngunit ngayon ko lang naisipan na
ipost ito sa aking blog ito ay pinamagatang pag-ibig na walang haggan
sana ay iyong magustuhan:


PAG-IBIG NA WALANG HANGGAN

Naranasan nyo na bang magmahal?o di kaya ang maramdaman mo ang tunay at wagas na pag-ibig ? na siya lamang ang kayang magbigay, pag-ibig na kapag nawala sayo wala narin sayo ang lahat at pag-ibig na lalo kang pinapatatag.
      Hindi siya nagkulang sakin at hindi niya ako iniwan,kahit na ako"y makasalanang tao ikinubli niya parin ang liwanag na aking kailangan , liwanag na susugpo sa dilim, liwanag na magsisilbing pag-ibig , liwanag na magsisilbing pag-asa at tagumpay . Marami ng kalaban ang sumubok sa kanyang kapangyarihan ngunit hindi sila nagtagumpay. pag-ibig na ninanais ng marami ngunit hindi nila makamit dahil sa kanilang kasalanan.
      
Ang pag-ibig niyang walang hanggan ang ating kailangan  sa buhay sapagkat  ang kapayapaang ating hinahanap ay makakamit natin sa kanya , Siya lamang ang tanging daan at wala ng iba. -jesus christ-


=) sana ay may natutunan kayo sa aking ibinahagi na munting sanaysay.

AKING NATUTUNAN

Ngayong araw natutunan kong magpahalaga sa trabaho ng aking magulang at ng aking pamilya
lalo na sa mga kanilang ginagawa para sakin .