Sabado, Nobyembre 9, 2013

BANAAG AT SIKAT


Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Banaag at Sikat
Banaag at sikat.png
Pabalat ng Banaag at Sikat.
Buod
May-akdaLope K. Santos
BansaPilipinas
WikaTagalog
(Mga) UriKathang-isip
Petsa ng paglilimbag1906
Ang Banaag at Sikat[1] ay isa sa mga isinaunang mahabang salaysaying pampanitikan na isinulat ni Lope K. Santos sa wikang Tagalognoong 1906.[2] Bilang isang aklat na tinaguriang “bibliya ng mga manggagawang Pilipino[2], umiinog ang mga dahon ng nobelang ito sa buhay ni Delfin, sa kaniyang pag-ibig sa isang dalagang anak ng mayamang nagmamay-ari ng lupa, habang tinatalakay din ni Lope K. Santos ang mga paksang panlipunan: ang sosyalismokapitalismo, at mga gawain ng mga nagkakaisang-samahan ng mga liping manggagawa.[3], nasa wikang Ingles, Mga Lathalain Hinggil sa Kalinangan at Sining, Tungkol sa Kalinangan at Sining, nccang ang akdang ito ni Lope K. Santos ito ang “nagbigay-daan para maisulat ang iba pang mga nobelang nasa wikang Tagalog”[4] na may pinagsanib na mga paksang hinggil sa pag-ibigpangkabuhayan, at sa makatotohanan at gumagalaw na katayuan ng lipunan.[5][6] Bagaman isa ito sa pinakaunang mahabang salaysayin sa Pilipinas na nakaantig ng damdamin ng lipunan, sinasabi na naging pamukaw-kasiglahan din ito ng kilusang Hukbalahap o Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon.[7]
Hindi ito ang pinakaunang nobelang Tagalog[5], sapagkat nalimbag ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos matapos ang Nena at Neneng(1905), ang itinuturing na pinakaunang nobelang Tagalog na nilimbag bilang isang aklat, na isinulat ni Valeriano Hernandez Peña.[5] Subalit may mas nauna pang nobelang Tagalog, ang Kababalaghan ni P. Brava ni Gabriel Beato Francisco, na lumabas sa paraang hulugan sa mga pahina ng babasahing Kapatid ng Bayan noong 1899.[7]
Ang salin sa Ingles ng pamagat na Banaag at Sikat ay kumakatawan sa katagang “mula sa maagang pagbubukang-liwayway hanggang sa ganap na pagkalat ng liwanag” ng araw (From Early Dawn to Full Light), na nagmula sa isang pagsusuri nina Patricio N. Abinales at Donna J. Amoroso.[8]



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento